Friday, February 26, 2016

Kalusugan ay Kayamanan



Naniniwala naman ako na hindi mo at hindi ko gugustuhing maging malusog habang kumakalam naman ang ang sikmura dahil sa kakulangan ng pinansyal.
Marahil malusog nga ngunit wala naman pinagkakakitaan.
Gayon din naman, hindi mo rin gugustuhing maging isa sa mga mayayamang tao, subalit may karamdaman. Ang kalusugan ay kayamanan, ang buhay natin ay hindi matutumbasan ng kahit magkanong halaga ng pera.
May mga kilala, at mayayamang tao na walang nagawa ang kanilang kayamanan para madugtungan pa ang kanilang buhay. At wala din naman sila nadalang kayaman sa kanilang libingan
Ikaw, masasabi mo bang malusog ka? Gaano ka kasiguradong hindi ka magkakasakit?

Walang sino man makakapagsabi na malusog sila. Hindi nakikita ang tunay na kalagayan ng kalusugan sa panlabas na anyo. Hindi natin alam kung kelan tayo magkakasakit.
Bakit nga ba tayo nagkakasakit?
Isa lang ang dahilan ng pagkakasakit ng tao. Ito ay dahil sa pagbagsak ng ating immune system. 
Ano ba ang immune system?
 Ito ang doktor ng ating katawan, siya ang responsable sa paglaban sa ano mang mga bacterias, viruses, parasites, toxins, at marami pang iba na maaaring pumasok sa sistema ng ating katawan. Kapag bagsak ang ating immune system, lahat ng klase ng sakit ay maaari nang pumasok sa ating katawan.At ayon sa World Health Organization (WHO), may apat na pangunahing sakit na dahilan ng maagang pagkamatay ng tao; Heart Attack, Stroke, Cancer at Diabetes.


written by: Ronaldo Tobillo
http://www.blogspot.com/ronaldotobillofirstvitaplus

No comments:

Post a Comment